High-profile Korean scammer, arestado ng Bureau of Immigration

High-profile Korean scammer, arestado ng Bureau of Immigration

June 18, 2018 @ 12:50 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 33-anyos na Korean scammer na wanted sa halos 40 krimen sa Korea.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, si Lim Jong Keon ay naaresto sa loob ng isang condominium sa Sucat, Parañaque ng mga ahente ng Bureau’s Fugitive Search Unit (FSU).

“He is the subject of an Interpol notice, and has been tagged as one of Korea’s most wanted criminals due to the large number of people that he had victimized,” ani Morente

Nakatakdang i-deport si Lim upang harapin ang kanyang kaso na large scale fraud.

Sinabi naman ni BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval na nasa 381 indibidwal ang nabiktima ni Lim sa kanyang raket na pagbebenta  ng mga smart phone at iba pang retail items sa mga Korean sa pamamagitan ng kanyang web portal at ibinulsa ang mahigit 150 million won.

Wanted aniya si Lim sa Korea simula pa noong taong 2013 at  posibleng maharap ng sampung taong pagkabilanggo.

Nakakulong ngayon si Lim sa detencion facility ng bureau habang hinihintay ang kanyang deportation.

Kinansela na rin ng gobyerno ng Korea ang kanyang pasaporte. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)