High school principal patay sa 2 kawatan

High school principal patay sa 2 kawatan

October 14, 2022 @ 10:30 AM 2 months ago


POLANGUI, Albay- Butas ang leeg at naliligo sa sariling dugo ng matagpuan sa kanyang silid ang isang public school principal matapos barilin ng dalawang hindi pa kilalang kawatan Miyerkules, Oktubre 12 sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Beverly Ubante Cabaltera, 53-anyos, principal ng Pio Duran National High School sa bayan ng Pio Duran, Albay at residente ng Napoville Subdivision, Barangay Napo, ng nasabing bayan.

Batay sa report ng Polangui Municipal Police, dakong 2:50 AM, kita sa CCTV na dumaan ang mga suspek sa terrace ng bahay ng biktima at may mga hawak na baril.

Kwento ng anak ng biktima, himbing silang natutulog ng makarinig sila ng mga kalabog at putok ng baril kaya bumangon at inaalam ang kung saan galing ang ingay.

Agad nilang tinungo ang silid ng kanilang ina at laking-gulat na lamang nila ng makita na nakadapa ito at duguan habang may sugat sa leeg.

Humingi na sila ng tulong sa pulisya at dinala sa ospital ang biktima subalit dineklara na rin itong patay ng umatending doctor.

Patuloy naman ang ginagawang follow-up operation ng pulisya para sa ikadarakip sa mga suspek at managot sa naturang krimen. Mary Anne Sapico