Highest alert para sa COVID-19 binubusisi ng WHO

Highest alert para sa COVID-19 binubusisi ng WHO

October 15, 2022 @ 3:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinimulan ng World Health Organization’s (WHO) Emergency Committee on COVID-19 nitong Biyernes (Manila time) ang deliberasyon kung kinakailangan pang ikasa ang pinakamataas na level of alert sa pandemya.

Nagsasagawa ang Emergency Committee ng pulong kada tatlong buwan upang talakayin ang global COVID-19 pandemic mahigit dalawang taon na matapos nitong irekomenda ang deklarasyon ng outbreak bilang Public Health Emergency of International Concern, ang highest level of alert ng WHO.

“We have never been in a better position to end COVID-19 as a global health emergency,” ani WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa mga miyembro ng komite.

Inihayag ni Ghebreyesus na ang bilang ng weekly reported COVID-19 deaths any malapit na sa pinakamababa mula nang magkaroon ng pandemya, at karamihan sa populasyon ng mundo ang nkakumpleto na ng primary course ng bakuna, kabilang ang 75 porsyento ng health workers at mga matatanda.

Subalit, inihayag niya na ddelikado pa rin ang virus.

“But our work is not yet finished,” giit ni Ghebreyesus. “It is important that countries maintain and further strengthen their surveillance, testing, and sequencing capacities so that they can quickly identify and trace the virus. At the moment, most countries are not doing this.”

“Countries also need to ensure access to diagnostics, antivirals, and treatment for all, especially those most at-risk,” patuloy niya.

Sa naunang media briefing, sinabi ni WHO COVID-19 Technical Lead Dr. Maria Van Kerkhove na ang COVID-19 ay kumakalat “at an incredibly intense level” sa buong mundo.

“The challenges that we face right now are two-fold,” ani Van Kerkhove. “In the last week alone, we’ve had more than three million reported cases and we know that’s an underestimate because surveillance has changed, testing has changed, reporting has changed.”

“Now, countries are certainly in a different stage, as they were in the beginning. The world is in a much better place in dealing with COVID as we go forward but we’re not quite living with this virus, we’re not managing it as well as we possibly could. We need to live with COVID-19 responsibly,” dagdag niya. RNT/SA