‘Highest standards of journalism’ hirit ni PRRD sa gov’t radio stations

‘Highest standards of journalism’ hirit ni PRRD sa gov’t radio stations

June 11, 2022 @ 3:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong  Rodrigo  Roa Duterte  sa state-owned radio stations na ipagpatuloy ang pagtatakda ng “highest standards of journalism.”

Sa isang video message na ipinakita sa  75th anniversary of the Philippine Broadcasting Service-Bureau of Broadcast Services (PBS-BBS) na idinaos sa Sequoia Hotel sa Quezon City , Biyernes ng gabi,  ipinaalala ni  Pangulong  Duterte  ang pagpapakalat  ng  “factual and timely information” sa publiko.

“It is my sincere hope that you will all continue to uphold the highest standards of journalism and broadcasting as you faithfully disseminate factual and timely information to our countrymen, especially in the most far-flung areas in the country,” ayon kay Pangulong Duterte.

Pinuri naman ni Pangulong Duterte ang  PBS-BBS,  attached agency  ng Presidential Communications Operations Office (PCOO),  dahil sa pinahusay na serbisyo nito sa ilalim ng kanyang liderato.

Pinasalamatan naman nito ang  government-run radio stations dahil pinapanatili nito sa publiko ang updated report tungkol sa mga pagsisikap ng pamahalaan na dalhin ang  pagbabago at development.

“As the state’s radio network, you have the important duty of ensuring that the public is aware of the events happening around us and of government’s efforts to improve the (lives) and promote the welfare of the Filipino people,” he said. “In the last six years, PBS has improved and progressed by leaps and bounds.”

Sa kasalukuyan,  ang PBS-BBS ang siyang nagmamay-ari at nago-operate  ng radio stations  sa buong bansa,  kung saan ang  dzRB Radyo ng Bayan Manila  ang  nagsisilbing flagship station.

Araw ng Martes nang matanggap ng PCOO  ang huling  batch ng broadcast equipment na dinonate ng China sa ilalim ng administrasyong  Duterte.

Simula noong 2019, nagdonate ang China  ng ilang  radio at information technology (IT) equipment sa  PCOO upang palakasin at buhayin  ang  government media, at maging ang broadcast at communications services nito.

Tinatayang P140 milyong halaga ng  radio at broadcasting equipment ang dinonate ng China at P15 milyong halaga ng  IT equipment sa PCOO. Kris Jose