Dennis, nainggit kay Cesar!

August 8, 2022 @8:00 PM
Views:
46
Manila, Philippines – Hindi maiwasang mabahiran ng inggit ang pagbati ni Dennis Padilla ng happy birthday sa kaibigang Cesar Montano.
Sa social media idinaan ng komedyante ang kanyang greeting as Cesar turned 60 last August 1.
Kumpleto ang mga anak ni Buboy (palayaw ni Cesar) mula sa mga babaeng nakarelasyon niya.
Wish ni Dennis, sana raw kapag nagdiwang siya ng kanyang 61st birthday sa February 9, 2023 ay kumpleto rin ang mga anak niya.
Dennis sires Julia, Claudia and Leon with Marjorie Barretto.
Matatandaang naglabas ng hinampo ang komedyante noong hindi man lang siya nakatikim ng Happy Father’s Day greeting mula sa tatlong anak.
Sa halip ay may mahabang post si Leon na nagpaliwanag tungkol sa diperensya ni Dennis partikular sa pakikitungo sa kanyang mga anak.
Marami ang sumang-ayon sa binata kung paanong marami rin ang nakaunawa sa sentimyento ni Dennis bilang magulang.
Kung tutuusin, barely six months from now pa ang kaarawan ni Dennis, kaya malay natin, baka matupad ang kanyang birthday wish? Ronnie Carrasco III
Jaya, nasunugan sa Amerika!

August 8, 2022 @7:50 PM
Views:
49
Washington, USA- Sa Instagram idinaan ni Jaya ang balitang nasunugan sila ng kanyang pamilya sa Amerika.
Makikita sa larawan ang mga basag na bintana ng bahay at ang natupok na garahe.
Jaya wrote, “Our house just got burned but we are all safe. I have no words but God is good.”
Dinagsa naman ng mga panalangin ang post ni Jaya mula kay Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, Tom Rodriguez, Pokwang, Candy Pangilinan, Xian Lim ag iba pa.
Naganap ang sunog isang araw makaraang ipagdiwang ng kanyang anak na si Sabriya ang ika-16 na kaarawan nito.
Matatandaang July noong isang taon nang bumiyahe si Jaya patungong Amerika sa gitna ng hirap dala ng pandemya.
Tinaguriang Soul Diva, huling napanood si Jaya sa segment na Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime bilang isa sa mga hurado.
Marso pa lang nang ianunsyo niya ang kanyang planong pag-alis ng bansa.
Samantala, inaalam pa ang sanhi ng sunog. Ronnie Carrasco III
MMDA, walang naibigay na budget sa MOWELFUND!

August 8, 2022 @7:40 PM
Views:
43
Manila, Philippines – Pinagmamalaki ng president ng Mowelfund na si Rez Cortez na ginawa niyang self-sufficient financially ang institution kahit wala pang funding galing sa Metro Manila Film Festival.
Ayon kay Rez, kahit paano ay may pondo pa rin daw ang Mowelfund kahit walang dumating na budget mula Metro Manila Development Authority (MMDA). Wala kasing income na nanggagaling ngayon mula sa Metro Manila Film Festival.
Ang nasa batas kasi, ang proceeds ng income ng MMFF ay mapupunta sa welfare fund ng Mowelfund para sa benipisyo ng movie workers.
Nanatiling sandigan ng film workers ang Mowelfund.
Dahil sa outsourcing of funds, na-sustain ng Mowelfund ang activities ng mga member para sa kanilang medical, health, housing, training and livelihood programs. Tuloy din ang mga film workshops, film festivals and other film education-based endeavors.
FYI, Noong 2018, pagkatapos ng 6 years of due diligence and negotiations, pumirma ang Mowelfund board ng joint development contract with Victor Consunji Development Corporation (VCDC) that afforded the foundation a new 6-story building.
Ang bagong gusali ng ay nagtataglay ng state-of-the-art prodution facilities. Kasama rin dito ang 54-seat theater na ipinangalan sa late, revered Director Of Photography (DOP) Conrado “Dengcar” Baltazar.
Ang bagong Mowelfund Center ay sama-samang effort ng board na binubuo ng Founding Chairman na si Joseph Ejercito Estrada, Chairman Boots Anson Roa Rodrigo, Vice Chairman Gina Alajar. President Rez Cortez, Vice President Julius Topacio and Trustees Jaime “Jim” Baltazar and Direk Edgardo.
Noong 1979 pa itinatag ang Mowelfund Film Institute to provide and subsidize film education benefits to Mowelfund beneficiaries and the public at large. Noel Asinas
Bilang ng dengue cases sa Pinas sumampa na sa 92,343

August 8, 2022 @7:30 PM
Views:
37
MANILA, Philippines- Mayroon pang 92,343 kaso ng dengue sa bansa mula Enero 1 hanggang Hulyo 23 ngayong taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay base sa National Dengue Data hanggang nitong 2022 (MW29).
Sa kabuuan, ang mga kaso sa taong ito ay 118% na mas mataas kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong panahon noong 2021 (42,294).
Sa kabuuan, karamihan sa mga kaso ng dengue ay naiulat mula sa Rehiyon III (15,951, 17%) Rehiyon VII (9,429, 10%) NCR (7,962, 9%) .
Sa kamakailang panahon (Hunyo 26 hanggang Hulyo 23, 2022) kung saan 21,566 na kaso ang naitala, ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga kaso: Rehiyon III: 5,186 (24%) NCR: 2,374 (11%); CALABARZON: 2,178 (10%).
Siyam mula sa 17 rehiyon ang lumagpas sa epidemic threshold sa nagdaang apat na linggo (June 26 hanggang July 23, 2022) kasama ang MIMAROPA, at NCR na nagpapakita ng patuloy na pagtaas ng trend mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 23, 2022.
Sa buong bansa, mayroong 344 deaths na iniulat (Case Fatality Rate=0.4%).
Noong Enero mayroong 36; February, 31; March, 39; April, 46; May,63; June, 73; at July, 56. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Panukalang pagpataw ng parusa sa nagkakalat ng fake news inihain sa Kamara

August 8, 2022 @7:20 PM
Views:
54