Higit 1.5M Pinoy nagparehistro na sa BSKE

Higit 1.5M Pinoy nagparehistro na sa BSKE

January 30, 2023 @ 6:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot na 1,538,968 ang kabuuang nagparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataang election ngayong 2023, ayon sa Commission on Elections.

Sa nasabing bilang, ang mga bagong botante na nagparehistro sa Regular Registration ay 926,471 kung saan nasa 442,330 mula sa edad 15-17 taong gulang habang 397,323 naman sa edad 18-30 ang voter registrant at 86,818 sa edad 31 pataas.

Ito ay mula noong Disyembre 12, 2022 hanggang Enero 21, 2023.

Habang sa Register Anywhere ay mayroong kabuuang nakapagtala na 8,651.

Ang bagong botante ay nasa 4,785 mula December 17, 2022 hanggang January 27, 2023.

Kabilang sa pinroseso ng Comelec ang paglipat ng rehistro mula sa ibang lungsod o munisipyo, paglipat sa parehong lungsod o munisipyo, aplikasyon para sa transfer na may reactivation, aplikasyon para sa transfer na may reactivation at correction ng entries, aplikasyon para sa transfer na may correction ng entries, at aplikasyon para sa reactivation.

Pinroseso din ng poll body ang application para sa reactivation na may correction ng entries, change of name/ correction ng entries, pagsama ng rekord sa libro ng mga botante, reinstatement ng pangalan sa listahan ng botante at aplikasyon para sa Transfer mula OAV. Jocelyn Tabangcura-Domenden