Higit 1.6M estudyante nakinabang sa libreng sakay, subsidy – PBBM

Higit 1.6M estudyante nakinabang sa libreng sakay, subsidy – PBBM

January 2, 2023 @ 1:13 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakinabang ang malaking bilang ng mga Filipino mula sa fuel subsidy at Libreng Sakay programs ng administrasyong Marcos para mapagaan ang epekto ng tumaas na presyo ng langis sa sektor ng transportasyon at mananakay.

Base sa year-end report, pinadali ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng pondo para mapanatili ang nagpapatuloy na implementasyon ng fuel subsidy program para sa public utility vehicles (PUVs) at Libreng Sakay Program ng Department of Transportation (DOTr).

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang DOTr na ipagpatuloy ang implementasyon ng Libreng Sakay for Students Program sa LRT-2, na mapakikinabangan ng 1.6 milyong estudyante mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 5.

Idagdag pa rito, sa ilalim ng Oplan Balik Eskwela program ng MRT-3 at Philippine National Railways (PNR), may kabuuang 143,290 estudyante ang pinagkalooban ng 20% fare discount.

Nagbigay din ang Service Contracting Program (SCP) ng gobyerno ng kompensasyon sa mga operators at drivers na labis na naapektuhan ang kabuhayan ng COVID-19 pandemic at pagsirit ng presyo ng langis.

Matatandaang, mula naman Abril hanggang Hulyo 2022, 19,194 PUV drivers ang kinontrata para sa operasyon Ng 16,832 PUV units na tatahak sa may 921 ruta sa ibat- ibang bahagi Ng bansa.

“As of December 23, 2022” naman ay nasa 751 na mga Public Utility Bus units Ang bumagtas sa EDSA Busway para din sa libreng sakay.

“To reduce energy costs, the Marcos government implemented concrete steps since July this year, such as the Energy Efficiency and Conservation (EEC) program and also assisted distribution utilities to rationalize power supply sources,” ayon sa ulat.

“Department of Energy (DOE) carried out the Government Energy Management Program (GEMP), which mandated all government agencies to save at least 10 percent on the consumption of electricity and fuel through the adoption of energy conservation measures,” ang nakasaad sa ulat. Kris Jose