Higit 100 distressed OFW,  napauwi na galing Kuwait

Higit 100 distressed OFW,  napauwi na galing Kuwait

January 20, 2023 @ 6:40 PM 7 days ago


MANILA, Philippines- Matagumpay na napauwi sa Pilipinas ang 102 overseas Filipino workers na inaabuso ng kanilang mga employer sa Kuwait.

Sa ulat, dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ngayong Biyernes ng umaga ang OFWs kasama ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio.

Kabilang ang naturang batch sa 421 distressed OFWs na nanatili Kuwait shelter.

Target namang mapauwi ang iba pa ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Enero.

Ayon kay DMW Undersecretary Hans Leo. J. Cacdac, bukod sa reintegration program, nag-aalok din sila ng psychosocial services, small business investment, at business training sa mga umuuwi na OFW. Jocelyn Tabangcura-Domenden