Higit 100 pamilya sa San Andres nawalan ng bahay bago mag-Pasko

Higit 100 pamilya sa San Andres nawalan ng bahay bago mag-Pasko

December 8, 2021 @ 9:19 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Isa ang sugatan sa naganap na sunog sa residential area sa San Andres Bukid, ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection, Miyerkoles.

Pasado alas 6 na ng gabi, Martes, nang tuluyang maideklara ang sunog na nagsimula pa alas 5 ng hapon sa 1664 Onyx St., Brgy 775 Zone 84 San Andres Bukid Manila.

Sa naturang sunog, mahigit 50 bahay ang natupok ng apoy habang mahigit 100 pamilya ang apektado at nawalan ng masisilungan 17 araw bago mag-Pasko.

Inaalam pa ng BFP ang pinagmulan ng sunog at kabuuang pinsala na natupok ng apoy. Jocelyn Tabangcura-Domenden