Higit 100 pelikula kasali sa online edition ng Pista ng Pelikulang Pilipino

Higit 100 pelikula kasali sa online edition ng Pista ng Pelikulang Pilipino

October 31, 2020 @ 10:58 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Ilang local film ang lumahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong taon.

“We’re also adjusting to this new normal, but we’re very excited because this is an opportunity for us to bring in more films and really be more inclusive,” saad ni Liza Diño, chair ng Film Development Council of the Philippines sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa isang panayam.

Kasama na aniya rito ang ilang award-winning films tulad ng “Sila Sila” at  “Metamorphosis.”

Punto pa ni Diño, libreng mapanonood ang mga short film mula October 31 hanggang December 13 habang ang  full-length movies ticket ay nagkakahalaga ng P99 hanggang P450 na ipalalabas mula November 22 hanggang December 13. RNT/FGDC