Higit 1,000 lugar kinandado sa COVID

Higit 1,000 lugar kinandado sa COVID

January 31, 2022 @ 7:42 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa1,036 lugar sa bansa ang nakasailalim sa granular lockdown bunsod ng pagkalat ng COVID-19, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Naitala ang nasabing mga lockdown sa 33 syudad at munisipalidad at sa 399 barangay.

Base sa datos ng PNP, sa nasabing kabuuang bilang, 404 ang na-monitor ng Police Regional Office (PRO) sa Cordillera; 252 lugae sa Region 1; 173 sa Calabarzon; at 152 naman sa Region 2.

Sa National Capital Region na nakasailalim na sa Alert Level 2 simula Pebrero, nasa 14 na lang ang lugar ba nakasailalim sa granular lockdowns.

Nasa 1,320 kabahayan habang 2,512 indibidwal ang apektado ng nasabing lockdown, dagdag pa ng PNP.

Ang granular lockdowns ay mga micro-level area COVID-19 quarantines para sa “critical zones” sa lokal na gobyerno.

Para naman masiguro ng PNP na sumusunod ang mga residenteng nasa ilalim ng restriksyon ay nagpakalat na sila ng 596 police officers. RNT