Higit 1,000 patay sa lindol sa Afghanistan

Higit 1,000 patay sa lindol sa Afghanistan

June 23, 2022 @ 7:41 AM 7 days ago


MANILA, Philippines – Higit 1,000 na ang nasawi sa magniitude 5.9 na lindol na yumanig sa Afghanistan, ayon sa isang opisyal.

“The number is increasing. People are digging grave after grave,” sinabi ni Mohammad Amin Huzaifa, head of the Information and Culture Department sa Paktika, sa mga mamamahayag.

Bago pa man sakupin ng Taliban ang lugar, ang mga emergency response team ng Afghanistan ay hirap nang tugunan ang mga natural disaster na tumatama sa bansa.

“The government is working within its capabilities,” saad sa tweet ni Anas Haqqani, isang senior Taliban official.

“We hope that the International Community & aid agencies will also help our people in this dire situation.” RNT