Higit 1,000 PDL inirekomenda para sa executive clemency

Higit 1,000 PDL inirekomenda para sa executive clemency

January 17, 2023 @ 3:34 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Mahigit 1,000 pangalan ng persons deprived of liberty (PDLs) hang isinumite sa Office of the Executive Secretary para sa executive clemency, kabilang ang mga inirekomenda noong September 2022, ayon sa Justice Department nitong Martes.

Sinabi ni Justice spokesperson Mico Clavano na nafollow-up na nila ang request kay Executive Secretary Lucas Bersamin.

“Well, we’re not sure exactly what the date will be kung kailan ia-approve ni Executive Secretary Bersamin,” aniya.

“Although nag-follow up na po kami kay ES Bersamin and we told him na dahil nga may suporta na tayo ni President Bongbong Marcos na sana ma-release na kaagad ‘yung executive clemency na nirecommend pa natin noong September,” dagdag ng tagapagsalita.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ds DOJ na ipagpatuloy ang pagpapalaya sa PDLs na kwalipikado para sa parole para paluwagin ang correctional facilities sa bansa.

Samantala, inihayag ni Clavano na nakatakdang palayain ang 500 PDLs sa January 23 sa New Bilibid Prison, ang pinakamataas na bilang ng PDLs para sa monthly releases.

“So we’re near the quota already perhaps we can already increase that quota since we have the support of the President. Of course, it will go through the proper processes and we have to make sure that the ones that are released are those that are really qualified and eligible for release,” aniya.

“We hope na matutuloy talaga sa February. The transportation of PDLs is being prepared as we speak. We’re going to use buses to transport the PDLs,” patuloy ni Clavano. RNT/SA