Higit 1,000 Pinoy nars apektado ng NY hospital strike

Higit 1,000 Pinoy nars apektado ng NY hospital strike

January 10, 2023 @ 8:11 AM 1 month ago


NEW YORK CITY – Sapul ang 1,000 Filipino nurses ng ikinasang tigil-trabaho ng mahigit 7,000 na nurse mula sa dalawang ospital sa New York City bunsod ng hindi pagkakasundo ng management ng dalawang ospital at New York State Nurses Association (NYSNA) sa implementation ng karagdagang nurses na ilang taon nang nakabinbin.

Kabilang sa mga ospital na damay sa tigil-trabaho ay ang Montefiore Medical Center sa Bronx at Mount Sinai Hospital na isa sa pinakamalaking ospital sa New York.

Naparalisa ang operasyon ng dalawang ospital matapos na mag-strike ang nasa 7,000 na mga nars nitong Lunes, alas sais ng umaga sa New York.

Nakipag-ugnayan na sa dalawang ospital ang Department of Health and Human Resources para alamin kung paano maaayos ang problema habang sinisilip na ng New York Attorney General kung may mga paglabag na nagawa ang dalawang ospital.

Umaasa naman ang Philippine Consulate General sa New York na agad na mareresolba ang isyu sa pagitan ng management ng Montefiore Medical Center at Mount Sinai Hospital at ng mga nurses.

“The Philippine Consulate General in New York supports the clamor of Filipino-American nurses, employed in Montefiore Medical Center in the Bronx and Mount Sinai Hospital in Manhattan, for better wages and working conditions,” saad sa pahayag. RNT