Higit 100K deboto, nakiisa sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno

Higit 100K deboto, nakiisa sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno

January 9, 2023 @ 8:10 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Umabot na sa 105,350 ang mga deboto na dumagsa sa Quirino Grandstand para sa pagpupugay sa Poong Itim na Nazareno.

Ito ay base sa latest crowd estimate na ibinahagi ng pamunuan ng Quiapo church mula nang magsimula ang aktibidad nitong Sabado.

Sa Quiapo church naman ay nasa kabuuang 66,500 na ang nagtutungo sa Simbahan upang makiisa at dumalo sa mga banal na misa na idinaraos.

Ayon sa Simbahan, mula sa nabanggit na mga oras, mayroong 20,900 indibidwal o mga deboto na dumating na sa Minor Basilica habang 2,400 naman sa Quirino Grandstand.

Kahapon ay isinagawa na ang Walk of Faith mula sa Grandstand patungong Simbahan ng Quiapo na nagsimula ng ala1:30 ng madaling araw at natapos nakalipas ang dalawa at kalahating oras.

Sa prusisyon, walang nakitang andas o imahe ng Poong Itim na Nazareno kundi mga kandila lamang at maliliit na replica ng imahe dahil mahigpit na itong ipinagbawal ng pamunuan ng Simbahan upang maiwasan nang dumugin ng mga deboto ay maging maayos at ligtas ang aktibidad sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa paligid ng Quiapo, makikita ang mga vendors na nagtitinda ng mga religious items at maliliit na replica ng Nazareno. Jocelyn Tabangcura-Domenden