Higit 100K estudyante inaasahang makatatanggap ng cash aid sa huling araw ng payout

Higit 100K estudyante inaasahang makatatanggap ng cash aid sa huling araw ng payout

September 24, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sana inaasahan nitong daragsain ng libo-libong recipients ng student cash aid, sa pinale ng payouts ngayong Sabado.

Sa Metro Manila, mahigit 7,000 benepisyaryo ang inaasahang pipila sa apat na payout centers ng DSWD sa Manila, Quezon City, at Las Piñas City.

Sa kabila ng pagdagsa ng mga estudyante, sinabi ng departamento na maayos ang  sitwasyon partikular na sa Quezon City Hall.

Hindi naman pinapayagan ang walk-in applicants sa QC payout sites, at tanging mga benepisyaryo na nakatanggap ng confirmatory text messages ang pinayagan.

Mayroon ding mga tent para sa recipients nakapila sa payout sites.

Samantala, target ng DSWD na maipamahagi ang student cash aid sa 116,583 students-in-crisis sa 232 payout sites sa limang rehiyon sa bansa ngayong Sabado. 

Nauna nang inihayag ng departamento na na naglaan ito ng P1.5 bilyon para sa educational aid program,  kung saan target ang 400,000 benepisyaryo. 

Magpapatuloy ang programa, subalit iaanunsyo pa ang mga karagdagang detalye. RNT/SA