Higit 100K healthcare workers wala pang SRA, OCA

Higit 100K healthcare workers wala pang SRA, OCA

July 20, 2022 @ 4:43 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa higit 100,000 mga healthcare workers pa ang hindi nakatatanggap ng kanilang Special Risk Allowance (SRA) at One COVID-19 Allowance (OCA).

Sa interbyu sa radyo, sinabi ni Dr. Jose Rene de Grano, presidente ng Private Hospital Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) na nagtataka sila kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa naibibigay sa kanila ang mga naturang allowance kahit Enero pa ito nai-turn over ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Health (DOH).

“Nangangako sila na magbibigay ng mga ganitong benepisyo sa ating mga health workers pero pagdating na po doon sa pagri-release, sa pagdi-disburse… bakit hirap na hirap sila na mag-release?” ani De Grano.

“Lagi pong sinasabi sa kanila, eto, mag-submit kayo ng ganito. Upon submission naman po ng mga requirements na kinukuha sa kanila, ang sinabi lang po ‘sige, okay, maghintay na lang kayo.’ E February na po, wala pa ring dumarating. E ang sinisisi minsan ng mga health workers e yung mga ospital,” dagdag niya.

Kaugnay nito, umapela si De Grano kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire na alamin kung kanino o nasaan ang problema sa pamamahagi ng SRA at OCA. RNT/ JCM