Higit 100K may COVID booster shot na sa Munti

Higit 100K may COVID booster shot na sa Munti

March 17, 2022 @ 11:18 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 101,109 indibidwal ang naturukan na ng booster shots laban sa COVID-19 sa Muntinlupa City.

Ito ay napag-alaman kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi na nagsabing base sa datos ng City Health Office (CHO) nitong Marso 15 ay nakapagtala ang lungsod ng kabuuang 101,109 indibidwal na napagkalooban na ng booster shots na katumbas ng 26 porsiyento ng target population ng lungsod na 383,021.

Ayon kay Fresnedi, ang booster shots kontra COVID-19 ay ikinokonsiderang napakahalagang bakuna na magbibigay ng karagdagang proteksyon sa isang indibidwal.

Sinabi ni Fresnedi na ang mga fully vaccinated na indibidwal sa lungsod ay umabot na sa 463,156 o katumbas ng 121 porsiyento ng target population ng lungsod.

Matatandaan na isinailalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang buong National Capital Region (NCR) sa mas maluwag na Alert Level 1 noong Marso 1 hangang Marso 15 at pinalawig pa ito ng nabanggit na task force ng hanggang Marso 31.

Nanawagan din sa publiko si National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na magpaturok na ng kanilang booster shots dahil sab anta nga bagong COVID-19 variants tulad ng “Deltacron” at BA.2 na kasalukuyang kumakalat sa iba’t-ibang parte ng mundo. James I. Catapusan