Higit 10K na edad 5-11 bakunado na vs COVID – DOH

Higit 10K na edad 5-11 bakunado na vs COVID – DOH

February 8, 2022 @ 1:18 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pumalo na sa 10,000 batang nasa edad lima hanggang 11 ang bakunado na laban sa COVID-19 sa unang araw ng rollout sa nasabing age group, base sa Department of Healt.

 “Maganda naman po ang naging lagay ‘no ng ating mga bakunahan sa ating mga kabataan, 5-11 years old kahapon,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa TeleRadyo.

“Meron ho tayong 32 sites kung saan 9,784 na mga bata ang nabakunahan po natin kahapon dito sa 32 sites natin.”

 “Isa lang na reaction ang ating na-observe, ito po ay isang bata 11 years old, nagpantal po ang kanyang mga braso, minanage po doon sa vaccination site at nakauwi rin pagkatapos,” paliwanag pa nito.

Habang minor naman aniya ang mga naitalang reaksyon at side effects sa mga nabakunahan.

 “These are expected and minor reactions, na ito naman, handa po ang ating sistema para i-manage yan. Hindi kailangang matakot ang ating mga magulang dahil dyan dahil iyan naman po ay agad-agad mawawala.”

Pagtitiyak pa ni Vergeire, mayroong mga pediatrician at iba pang local health official ang nasa vaccination site upang matiyak ang kaligtasan ng bata.

“Meron ho tayong binibigay na mga numero, hotline numbers, kung sakaling pagkauwi, labasan na halimbawa ng mga pantal o ‘di kaya ay lagnatin, maaaring tumawag agad dito sa mga vaccination sites para maturuan sila kung anong gagawin.” RNT/FGDC