Higit 1,100 Chinese national, na-deport noong 2022 – BI

Higit 1,100 Chinese national, na-deport noong 2022 – BI

January 30, 2023 @ 8:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) nitong Linggo na na-deport nito ang kabuuang 1,339 foreign nationals noong nakaraang taon.

Nanguna ang Chinese nationals sa bilang na 1,104 deportees, na sinundan ng South Koreans sa 87 at Vietnamese sa 39. Na-deport din ang 19 Americans at 12 Nigerians.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na lumabag ang nasabing foreign nationals sa immigration laws, kabilang ang overstaying, paglabag sa kondisyon ng kanilang pananatili, at pagiging “undesirable aliens”.

“We remain relentless in our drive to rid the country of aliens who abuse our people’s hospitality and pose a threat to our society,”dagdag niya. RNT/SA