Higit 125K magsasaka nakatanggap ng P646M cash aid sa DA

Higit 125K magsasaka nakatanggap ng P646M cash aid sa DA

October 18, 2022 @ 8:58 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakatanggap ng tig-P5,000 cash assistance ang 125,563 rice farmers sa Camarines Norte, Albay, Catanduanes, at Sorsogon mula sa Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) ng Department of Agriculture (DA) sa Bicol.

Umabot sa P646.6-M ang kabuuang ayudang ipinamahagi ng DA sa nasabing mga benepisyaryo.

Para sa Albay, 30,307 rice farmers ang nakakuha ng kabuuang P156 million; sa Camarines Norte, 8,431 rice farmers ang nakakuha ng P43.4 million; sa Catanduanes, 5,778 rice farmers ang nakakuha ng P29.7 million, at sa Sorsogon, 18,585 rice farmers ay nakakuha ng P95.7 million.

“The RFFA cash assistance is funded from the excess of the PHP10 billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) from the tariff revenues that the Philippines collected from the importation of rice every year. The PHP10 billion RCEF fund was created every year for six years since former President Rodrigo Duterte signed the Rice Tariffication Law or Republic Act 11203 on February 14, 2019. The RFFA will continue until 2026,” ani Lovella Guarin na siyang DA Bicol information officer. RNT