HIGIT 13,000 MURANG PABAHAY NAIPATAYO NG PAG-IBIG FUND MULA ENERO HANGGANG SETYEMBRE 2022

HIGIT 13,000 MURANG PABAHAY NAIPATAYO NG PAG-IBIG FUND MULA ENERO HANGGANG SETYEMBRE 2022

November 4, 2022 @ 1:13 AM 3 weeks ago


UMABOT sa kabuuang 13,131 socialized homes na laan para sa mga minimun-wage at low-income members ng Home Development Mutual Fund o mas higit na kilala bilang Pag-IBIG Fund ang pinondohan mula January hanggang September ngayong 2022. 

Ang mga nasabing socialized homes o murang pabahay ay katumbas ng 18% ng kabuuang 74,78 units na pabahay na pinaglaanan ng pondo ng ahensiya o katumbas ng P5.72 billion na bahagi ng record-high na P83.31 bilyon home loans na inilabas ng ahensya sa loob lamang ng siyam na buwan.

Masigasig ang Pag-IBIG Fund sa pagkakaloob ng mga murang pabahay bilang suporta sa housing agenda ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. na tinawag na “Pambansang Pabahay para sa Pilipino” program upang tugunan ang malaking kakulangan sa pabahay ng mga low-income, minimum-income at middle income families na naghahangad ng sariling bahay na matutuluyan. Malinaw umano ang direksyong ito na tinatahak ng ahensiya ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) secretary Jose Rizalino Acuzar na siya ring chairperson ng 11-man Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Paliwanag ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Marilene Acosta, ang Affordable Housing Program (AHP) ng ahensiya ay isang special home financing program na nagsimula pa noong Mayo 2017 para sa mga miyembro na kumikita lamang ng P15,000 bawat buwan na nasa National Capital Region, at P12,000 naman sa ibang rehiyon ng bansa. Umaabot lamang sa halagang P580,000 ang socialized home loans na mayroong 3% na interes bawat taon, na siyang pinakamababa ngayon pagdating sa market value, o katumbas ng P2,445.30 bawat buwan sa loob ng 30 taon.

Alam ng Pag-IBIG Fund na isa sa mga pangunahing pangarap ng bawat pamilyang Pilipino ang pagkakaroon ng sariling tahanan.

“These are all part of our Lingkod Pag-IBIG commitment to provide accessible and affordable home loans for our low-income members,” ayon kay Acosta.