Higit 132K indibidwal nakatanggap ng booster sa Bakunahang Bayan

Higit 132K indibidwal nakatanggap ng booster sa Bakunahang Bayan

December 9, 2022 @ 4:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mahigit sa 132,000 indibidwal na ang nakatanggap ng kanilang unang booster laban sa COVID-19 sa tatlong araw na COVID-19 “Bakunahang Bayan”, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, kabuuang 132,770 ang nakatanggap ng unang booster shots sa nasabing aktibidad.

Tumaas din sa 49.3 percent ang vaccination coverage sa 5 hanggang 11 taong gulang matapos madagdagan ng 33,239 kung saan ang target ng gobyerno para sa nasabing age group ay 10.8 milyon.

Ikinasa ang special vaccination drive mula Disyembre 5 hanggang Disyembre 7 na layong madagdagan ang booster uptake at vaccination coverage sa pediatric population.

Sa pinakahuling datos ng DOH, 73.6 milyong Pilipino na ang ganap nang nabakunahan laban sa COVID-19 .Sa nasabing bilang, 20.0 milyon na ang nakatanggap ng karagdagang bakuna. Jocelyn Tabangcura-Domenden