Inagurasyon ni Marcos, simple, tradisyonal – PBBM camp

June 28, 2022 @2:24 PM
Views:
0
MANILA, Philippines- “Solemn and simple.”
Ganito ilarawan ng Marcos camp ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30 sa National Museum sa Maynila.
Ayon kay Franz Imperial, isa sa mga namumuno sa preparation committee ng nasabing event, ang programa ay “all set” na maliban sa ilang minor details na hanggang sa ngayon ay isinasapinal pa.
“The program we have prepared is very solemn and simple. It would be very traditional dahil sabi nga ni BBM sa vlog niya, ‘hindi kami lilihis pa sa tradisyon,’” ayon kay Imperial.
Ang Television host na si Toni Gonzaga ang kakanta ng Philippine National Anthem habang ang inauguration song na “Pilipinas Kong Mahal,” ay aawitin naman ng singer na si Cris Villonco at Young Voices of the Philippines Choir.
Manunumpa si Marcos sa harap ni Supreme Court (SC) Chief Justice Alexander Gesmundo.
Tinanggap ni Gesmundo ang kahilingan na siya ang mag-administer ng oath taking ni Marcos.
Wala namang ibinigay na karagdagang detalye hinggil sa inaugural speech ni Marcos subait sinabi ni Imperial na ang incoming president ay hindi na mangangailangan pa ng teleprompter.
Samantala, isinasapinal pa ang detalye ng ecumenical invocation.
Sa kabilang dako, sa isinagawang press conference ng subcommittee on security, traffic, and communications na idinaos sa Camp Crame, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na tatagal ang nasabing event ng mahigit-kumulang dalawang oras.
“More or less siguro, baka two hours lang itong event na ‘to. At ito ay magsisimula around 10:50 in the morning and we expect na ang kanyang oath-taking exactly 12 noon. And then, after the speech ay tapos na ang ating event o ceremony,” anito.
Isang 30-minute military-civil parade naman ang gagawin sa naturang event, ayon kay Imperial.
Tinatayang may 2,213 security personnel ang sasama sa military parade mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, at Philippine National Police (PNP).
“We have a total of 2,213 troops na mag-participate sa military parade,” ang pahayag ni Joint Task Force National Capital Region commander Brigadier General Marceliano Teofilo.
Idinagdag pa nito na magpapartisipa rin ang kadete mula sa Philippine Military Academy at Philippine National Police Academy at maging ang mga regular at special troops.
Makikita rin sa military parade ang armored vehicles at artillery equipment.
Kabilang din sa military parade ang flyby ng military air assets gaya ng “planes and choppers.”
Para naman sa civic composition ng military parade, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairperson Romando Artes na ang mga kinatawan ng sektor ng medical frontliners, overseas Filipino workers, athletes, labor force, agriculture, transportation, metro aides, at iba pa ay makikiisa rin.
Sinabi naman ni NCRPO chief Police Major General Felipe Natividad na may 1,250 “VIPs at VVIPs” ang inaasahan na dadalo sa oath-taking event.
“We are expecting 1,250 — those are VIPs and VVIPs. That is aside from the ‘yung mga pupunta nating mga kababayan doon,” anito.
Ang incoming Office of the President at PNP Police Security and Protection Group naman ang bahala sa mga heads of states.
Ani Año, ang mga VIPs ay pupunta muna sa Philippine International Convention Center para sa screening. TInatayang 60 buses ang magsasakay sa mga ito para dalhin sila sa venue, sa National Museum.
Sinabi pa ni Artes na pinag-uusapan na ng mga Alkalde ng Kalakhang Maynila ang posibleng deklarasyon na “holiday” sa kani-kanilang lugar para sa inagurasyon ni Marcos.
Samantala, nagdeklara na si Outgoing Manila Mayor Isko Moreno ng special non-working holiday sa Lungsod ng Maynila sa Hunyo 30 para sa inagurasyon ni Marcos.
“More than 18,000 public safety and security forces would be deployed to secure Marcos’ inauguration, according to the National Capital Region Police Office. No security threat has been monitored so far,” ayon sa Philippine National Police.
May ilang lansangan naman ang isasara sa mga motorista upang i- secure ang mga lugar sa paligid ng National Museum at Malakanyang bago pa ang aktuwal na araw ng inagurasyon. Kris Jose
50 pang kaso ng BA.5 naitala

June 28, 2022 @2:12 PM
Views:
18
MANILA, Philippines- Nakapagtala sa bansa ng karagdagang 50 kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant BA.5.
Dahil dito, umabot na sa 93 ang kabuuang bilang ng mga kaso sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Martes.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 38 indibidwal ang mula sa Western Visayas, lima ang mula sa National Capital Region, at pito ang pabalik na overseas Filipinos.
Samantala, sinabi ni Vergeire na nakapagtala din ang bansa ng 11 bagong BA.2.12.1 subvariant cases at dalawa pang BA.4 subvariant cases. Jocelyn Tabangcura-Domenden
COC cancelation petition vs Marcos ibinasura ng SC

June 28, 2022 @2:00 PM
Views:
12
MANILA, Philippines- Ibinasura ng Supreme Court ang petisyong kanselahin ang kandidatura ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nakatakdang manumpa ngayong linggo, ayon sa sources nitong Martes.
Iginiit ng petitioners, na nire-representa ni Theodore Te, na hindi dapat kilalanin ang certificate of candidacy ni Marcos nang siya ay tumakbo bilang presidente dahil nagsinungaling umano ito ukol sa mga krimen nang siya ay na-convict ng Quezon City court para sa ilang beses na hindi paghahain ng kanyang income tax returns.
Hiniling ng group of civic leaders sa magistrates na ideklarang void ab initio ang certificate of candidacy ni Marcos, na nangangahulugang ang 31,104,175 milyong botong natanggap batay sa unofficial count ay ituring na stray votes.
Binigyang-diin nila na ang nasa ikalawang pwesto na si Vice President Leni Robredo, na nakatanggap ng 14.8 milyong boto ang dapat kilalaning nagwagi sa halalan.
Unang inihain ng grupo ni Te ang petisyon sa Commission on Elections noong Nobyembre 2021. Subalit ibinasura ito ng Comelec en banc makalipas ang Halalan 2022 kung kaya’t iniakyat nbg petitoners ang kaso sa Korte Suprema.
Bilang tugon, iginiit ni Marcos na wala siyang intensyon “to mislead, misinform, and deceive the electorate”.
Maaari namang maghain ang petitioners ng motion for reconsideration bago maglabas ng pinal na desisyon ang SC. RNT/SA
P3 dagdag-pasahe sa PUJ sa buong bansa hirit ng transport groups

June 28, 2022 @1:48 PM
Views:
26
MANILA, Philippines- Isinusulong ng ilang transport groups ang P3 provisional increase sa minimum fare sa passenger jeepneys sa buong bansa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Kabilang sa P3 provisional increase ang P1 hike sa minimum fare na iginawad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa passenger jeepneys sa Metro Manila, Central Luzon at Region IV, para sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal Quezon) at Mimaropa (Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan).
Sa petisyong inihain sa LTFRB ng limang transport groups, isinusulong nila ang implementasyon sa buong bansa ng P1 provisional increase mula sa LTFRB noong Hunyo 8 para Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa at Central Luzon, kabilang na ang P2 provisional increase sa lahat ng public utility jeepney (PUJs) sa buong Pilipinas.
Inihain ang petisyon ng 1UTAK, Pasang-Mada, ALTODAP at ACTO.
“And with the implementation of wage hikes nationwide for the benefit of ordinary workers, it is only fitting for PUJ operators to be treated with equal measure of justice and solicitude and be granted the desperately needed additional minimum fare increase in order to give PUJ drivers and workers a fighting chance to earn a decent income higher than at least the minimum wage,” saad sa petisyon.
Matatandaang naiulat na ilang transport operators at drivers ang napilitang magtigil-pasada dahil halos lahat ng kinikita nila umano ay napupunta lamang sa gasolina. RNT/SA
Mas maraming benepisyo para sa solo parents, aarangkada sa bagong batas

June 28, 2022 @1:36 PM
Views:
19