Higit 14M nat’l IDs naipadala na – PhilPost

Higit 14M nat’l IDs naipadala na – PhilPost

July 18, 2022 @ 2:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mahigit 14 milyong national IDs ang naipadala na sa buong bansa, ayon sa Philippine Postal Corporation (PhilPost) nitong Lunes.

Sinabi ni PhilPost Postmaster General and Chief Executive Officer Norman Fulgencio na 14,033,000 sa 14,800,000 national IDs ang naipamahagi na hanggang nitong Hulyo 8,2022.

“As of July 8, we were able to deliver already 14,033,000…So ongoing yung about 700,000 plus since July 8,” paglalahad ni Fulgencio sa Laging Handa briefing.

“So by tomorrow, we will get our latest update report. Siguro yung [700,000] baka nabawasan na yan ng mga 350,000 so siguro 50 percent na lang ng balance natin yung nai-deliver na,” dagdag niya.

Nang tanungin ukol sa naiuulat na pagkaantala sa paglalabas ng national IDs, tugon ni Fulgencio: “I don’t think I’m the right person to answer the question.”

“Ang trabaho namin ay i-deliver ‘yan. Once na matanggap namin, Kailangan naming i-deliver.”

“Kung ano yung reason kung bakit nadedelay, we’re not technical about it. Baka mas maganda si PSA (Philippine Statistics Authority) ang sumagot nun,” dagdag niya. RNT/SA