Higit 14M SIM cards rehistrado na – NTC

Higit 14M SIM cards rehistrado na – NTC

January 6, 2023 @ 1:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit 14 na milyon na subscriber identity modules (SIM) ang naiparehistro na sa kani-kanilang mga service providers hanggang nitong Enero 4.

Ito ang sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) nitong Biyernes, Enero 6.

Mahigit isang linggo na ito mula nang ipatupad ang SIM registration process noong nakaraang buwan.

Sa datos ay umabot na sa 14,050,125 SIM ang nakarehistro na.

Sinabi naman ni NTC officer-in-charge Ella Blanca Lopez na ang naturang bilang ay nagrerepresenta sa 8.31% ng nasa 170 milyon na SIM cards sa buong bansa.

Nakapagtala naman ng pinakamataas na bilang ng mga naiparehistrong SIM ay ang Smart Communications Inc. sa 6,713,632, sinundan ng Globe Telecom Inc. sa 6,135,596 rehistradong SIM at ang DITO Telecommunity Corp. naman 1,200,897 registered SIMs.

“As far as the NTC is concerned, we are satisfied at how the telcos are handling the SIM registration as well as the enhancements on the system after the first few days of the registration,” ani Lopez.

Bukas naman para sa NTC ang pahayag ng mga telco providers na mas pagbubutihin pa ang proseso ng SIM registration upang hindi mahirapan ang mobile subscribers.

Matatandaan na naipasa bilang batas ang SIM registration act na naglalayong labanan ang talamak na mga text spam at text scams. RNT/JGC