Higit 150 dagdag-kaso ng COVID, naitala sa Pinas

Higit 150 dagdag-kaso ng COVID, naitala sa Pinas

March 13, 2023 @ 7:15 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- May kabuuang 156 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa buong bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Mayroong 9,117 indibidwal sa Pilipinas ang kasalukuyang sapul ng COVID-19, batay sa DOH COVID-19 tracker.

Sa nakalipas na 14 araw, pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa 463.

Sinundan ito ng Davao sa 253, Calabarzon sa 200, Soccsksargen sa 163, at Northern Mindanao sa 110, base sa DOH.

Ang hospital bed occupancy rate naman ng bansa ay 16 porsyento hanggang nitong Sabado. Sinabi ng DOH na 3,929 hospital beds ang okupado, habang 20,577 ang bakante.

Umabot na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19  sa Pilipinas sa 4,077,904, kabilang ang 4,002,577 gumaling at 66,210 nasawi. RNT/SA