Higit 15,000 residente apektado ng pag-aalburuto ng Taal—NDRRMC

Higit 15,000 residente apektado ng pag-aalburuto ng Taal—NDRRMC

July 13, 2021 @ 5:49 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Umabot sa mahigit 15,000 residente ang inilikas sa Batangas dahil sap ag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Sa kabuuan ay umabot na 15,473 o katumbas ng 4,363 pamilya ang naapektuhan ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Martes.

Ang nasabing mga indibidwal naman ay nagmula sa 121 barangay na naapektuhan din ng pagaalburuto ng bulkan, ayon pa sa datos ng NDRRMC.

Umabot naman sa 5,620 indibidwal o 1,570 families ang inilikas sa kanilang mga bahay at pinatuloy sa mga evacuation center.

Nasa 9,853 residente o 2,793 pamilya naman ang nakikituloy sa mga kaanak.

Ayon pa sa NDRRMC, nasa 23 evacuation centers ang binuksan para mapatuloy ang mga bakwit.

Nananatiling Alert Level 3 ang nasabing buklan kung saan nakapagtala ito ng 171 pagyanig sa nakalipas na magdamag. RNT