Surigao del Sur – Nasa mahigit 1,600 indibidwal o 328 na pamilya ng Lumad sa Barangay Diatagon sa bayan ng Lianga ang nagsilikas kahapon (July 16, 2018) bilang pagkondena sa presensiya ng militar sa kanilang lugar.
Ayon sa Karapatan-Caraga, ito ay dahil nababahala sila sa kanilang seguridad dahil sa ilang mga pang-aabuso sa karapatang pantao na nagaganap simula nang magtayo ng kampo ang 75th Infantry Battalion sa kanilang lugar noong Hunyo 14.
“Human rights abuses have been committed against the Lumad, including threats, harassment and intimidation and sexual harassment against women and children,” ayon sa Karapatan.
Kabilang sa mga bakwit ang nasa 568 na estudyante at 48 na mga guro mula sa ilang community schools na pinatatakbo ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development at Tribal Filipino Program of Surigao del Sur
Kinumpirma naman ng 401st Infantry Brigade na siyang humahawak sa naturang batalyon ang paglikas ng mga Lumad.
Pero paglilinaw ng kanilang Civil-Military Operations officer, ang paglikas ay protesta lang at hindi dahil nasa panganib ang kanilang buhay. (Remate News Team)