Higit 188K indibidwal, rehistrado na para sa BSKE

Higit 188K indibidwal, rehistrado na para sa BSKE

January 3, 2023 @ 5:34 PM 1 month ago


MANILA, Philippines-  Mahigit 188,000 indibidwal na ang nakapagparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 2023, ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Martes.

Sinabi ni Comelec Deputy Executive Director for Operations (DEDO) Rafael Olanio na kabuuang 188,129 Filipino na ang nag-aplay bilang first-time registered voters hanggang noong Dec. 30,2022.

Aniya, ang mga numero ay medyo mababa pa rin.

Sa bilang, ang pinakamarami o 101,944 na botante ay nasa edad 18 hanggang 30 taong gulang, kasunod ang mga nasa edad 15 hanggang 17 taong gulang na nasa 60,491 na botante at 25,694 na botante na may edad 31 taong gulang pataas.

Ang mga 15 hanggang 17 taong gulang ay maaring bomoto sa Sangguniang Kabataan (SK) polls habang ang mga may edad 18 hanggang 30 ay parehong maaring bomoto para sa barangay at Kabataang election.

Ang mga botante na may edad 31 taon pataas ay maaaring lumahok sa barangay at pambansang halalan.

Muli namang nanawagan si Planong sa mga kwalipikadong indibidwal na magparehistro dahil magtatapos ang aktibidad ngayong buwan. Jocelyn Tabangcura-Domenden