Higit 1K armas nasamsam sa ‘Oplan Kontra Boga’ ng E. Police District

Higit 1K armas nasamsam sa ‘Oplan Kontra Boga’ ng E. Police District

July 7, 2022 @ 5:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mahigit sa isang libong iba’t ibang armas ang nasamsam sa “Oplan Katok at Kontra Boga” sa pinaigting na implementasyon ng Eastern Police District (EPD-PNP).

Ayon kay P/BGen. Orlando Yebra Jr., EPD-District Director, nagresulta ito sa ikinasang operasyon ng apat (4) na Police Station ng San Juan, Mandaluyong, Pasig at Marikina PNP mula January 2021 hanggang ngayong buwan.

Dahil dito, nakumpiska ng pulisya ang 120 piraso ng iba’t ibang kalibre ng baril sa “Oplan Kontra Boga” para maiwasan ang paggamit ng mga loose firearm sa krimen.

Resulta din ito ng kaliwa’t kanang checkpoint, anti-drug operation, search warrant at maagap na responde o aksyon sa mga reklamo mula sa taong bayan.

Ayon sa ulat, naitala ng Pasig PNP ang 72 kumpiskadong baril, Mandaluyong 18, Marikina 22 at San Juan na, nakarekober ng walong (8) piraso ng baril.

Nabatid kay Yebra na naglatag ng direkriba si OIC-PNP Lt. Gen. Vicente Danao Jr sa lahat ng unit ng pulisya sa buong bansa na ipresenta sa publiko ang imbentaryo ng mga nakumpiskang mga baril bilang ebidensya sa pamamagitan ng forensic unit na, s’yang opisyal na nag-imbentaryo at kustodiya ng mga kumpiskadong mga armas bilang ebidensya.

Bukod dito, pinalakas din ng EPD ang kampanya “Oplan Katok”, na, nagresulta sa one thousand forty four (1,044) na mga baril o short at long firearm ang boluntaryong na surrender ng mga may-ari na hindi nairehistro mula January 2022 hanggang ngayong buwan.

Base sa pagkakasunod, naitala ng Pasig PNP ang 166 na surrender firearm, Mandaluyong 288, Marikina 298 at San Juan 292.

Dagdag ni Yebra, lalo pa nilang paiigtingin ang operasyon kontra loose firearms upang mapigilan ang pag-abuso at di magamit ito sa iba’t ibang uri ng krimen sa metro – east at karatig na siyudad.

Tinuran pa ng opisyal ang pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ay ang pangunahin umanong layunin o prayoridad ng Eastern Police District (EPD). Rene Tubongbanua