Higit 1K imbitado sa SONA ni PBBM

Higit 1K imbitado sa SONA ni PBBM

July 18, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naipadala na ng House of Representatives ang mahigit sa 1,000 imbitasyon para sa kauna unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Kinumpirma ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na nasa kabuuang 1,365 imbitasyon na a g kanilang naipadala para sa mga invited guests sa SONA.

Pangunahin sa mga imbitado sina Vice President Sara Duterte, mga dating pangulo, vice presidents, speakers, at Senate presidents gayundin ang diplomatic corps, justices at miyembro ng gabinete.

Ipinaliwanag ni Mendoza na 1200 lamang ang kapasidad ng Batasan plenary hall subalit ginawan ito ng paraan ma-accomodate ang lahat ng mga bisita.

Tiniyak ni Mendoza na kontinv preparasyon na lamang ang kailangan at patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga ibat ibamg government agencies para sa idaraos na SONA.

“Mga minor revisions na lang tayo. So far okay naman na tayo,” pahayag ni Mendoza.

Samantala magpapatupad ng lockdown ang Kamara simula sa Huwebes o sa Biyernes nilang bahagi ng seguridad.

“Total lockdown will be on Friday, pero baka mag-adjust kami, agahan namin siguro ‘yung lockdown to prepare ‘yung security preparations natin,” dagdag pa ni Mendoza.

Sa npgayon ay nagpapatupad na ng.limitadong pagpasok ng.mga personnel sa Batasang Pambansa at sa oras na iimplementa ang lockdown ay tanging Presidential Security Group ang papayagan sa loob ng Batasan complex.

Sa Lunes,June 25 ang unang Sona ni Pangulong Marcos. Gail Mendoza