Higit 1K indibidwal, istranded sa Super Typhoon Karding

Higit 1K indibidwal, istranded sa Super Typhoon Karding

September 25, 2022 @ 10:59 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 1,212 indibidwal, drivers at helpers na ang iniulat na stranded sa mga apektadong lugar na tatamaan ng Super Typhoon Karding.

Sa pinakahuling update ng Philippine Coast Guard o PCG, kabilang din sa stranded ang 297 rolling cargoes, 28 vessels at 13 motorbancas.

Nakahimpil naman sa ligtas na lugar ang 30 vessels at 8 motorbancas sa Southern Tagalog at Bicol region.

Ang lagay ng karagatan sa mga pantalan sa bahagi ng Southern Tagalog at Bicol region ay light to moderate sa kasalukuyan.

Pinaalalahanan naman ng PCG ang mga sasakyang pandagat lalo na ang maliliit na bangka na huwag na munang tangkain pumalaot upang makaiwas sa anumang aberya sa gitna ng dagat. Jocelyn Tabangcura-Domenden