Higit 1K Pinoy iligal na nananatili sa Hong Kong upang mabakunahan kontra COVID

Higit 1K Pinoy iligal na nananatili sa Hong Kong upang mabakunahan kontra COVID

May 30, 2021 @ 10:31 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Mahigit sa isang libong Filipino ang iligal na nananatili sa Hong Kong upang magpabakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) ayon sa isang ulat.

Sinama na ng gobyerno ng Hong Kong ang mga illegal immigrants at refugees sa pagbabakuna dahil sa mababang bilang ng mga nagpapaturok ng COVID vaccine sa mga residente nito.

Ang ilang dose ng Sinovac at Pfizer vaccine ay nakatakdang masira sa Agosto.

Sa datos ng Hong Kong government humigit-kumulang isang libo ang mga Filipino na overstaying o iligal na nananatili rito. RNT/ELM