Higit 1M indibidwal sinalanta ni ‘Karding’ – NDRRMC

Higit 1M indibidwal sinalanta ni ‘Karding’ – NDRRMC

October 4, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Umakyat na sa 1,074,141 ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng pananalasa ni Super Typhoon Karding sa Luzon nitong nakaraang linggo, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes.

Katumbas ito ng 299,519 pamilya sa 1,922 barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Cordillera Administrative Region (CAR), at sa National Capital Region.

Sinabi ng NDRRMC na 780 pamilya o 3,574 indibidwal ang nananatili sa 23 evacuation centers.

Nakapagtala naman ng 12 pagkasawi at limang nawawala.

Sa bilang na ito, walo ang kumpirmado na habang apat pa ang sumasailalim sa beripikasyon kasama ang mga nawawala.

Nakapagtala ng 67 sugatan kung saan dalawa pa lamang ang kumpirmado sa kasalukuyan.

Pumalo naman sa 60,254 ang mga napinsalang bahay sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, at sa CAR.

Halos 52,513 ang nagtukoy na partially damaged habang 7,741 ang totally damaged. RNT/SA