HIgit 1M Pfizer COVID-19 vaccine dumating sa Pinas

HIgit 1M Pfizer COVID-19 vaccine dumating sa Pinas

December 9, 2021 @ 7:36 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dumating sa Pilipinas ang nasa 1,082,250 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine, Miyerkoles ng gabi..

Bahagi ito ng binili ng gobyerno ng Pilipinas.

Sinalubong ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 lagpas 8 p.m.

Sa ngayon ay nakapagturok na ang Pilipinas ng nasa 92,752,986 doses ng gma bakuna.

Nasa 38 milyong Pinoy na ang kumpletong bakunado laban sa COVID-19.

Sa Disyembre 15 hanggang 17 ay magkakaroon ng muli ng National Vacciantion Drive ang gobyerno. RNT