Higit 1M Pfizer COVID vax dumating sa Pinas

Higit 1M Pfizer COVID vax dumating sa Pinas

January 27, 2022 @ 7:41 AM 8 months ago


MANILA, Philippines — Higit isang milyong COVID-19 vaccine doses na binili ng Pilipinas ang dumating nitong Miyerkoles.

Sinabi ng National Task Force Against COVID-19 ang dumating na suplay na 1,023,750 Pfizer vaccine ay binili sa pamamaigtan ng inutang nap era sa World Bank.

Lulan ng Air Hong Kong flight LD456 ang suplay ng bakuna at dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bandang alas-9 ng gabi.

Mula noong Pebrero 2021, umabot na sa 213,682,620 doses ng COVID-19 vaccine ang dumating sa Pinas.

Umabot na rin sa 124,510,385 bakuna ang naiturok sa bansa.

Habang nasa 57.8 milyong Pinoy na ang fully vaccinated against laban sa virus. RNT