Higit 1M trabaho bubuksan sa IT, BPO

Higit 1M trabaho bubuksan sa IT, BPO

October 2, 2022 @ 3:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magbubukas ng nasa 1.1 milyong trabaho ang mga kompanya sa ilalim ng information technology (IT) at business process outsourcing (BPO) sa susunod na taon.

Sa kabila nito, sinabi ni IT and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) President and CEO Jack Madrid na hindi lamang ang English skills ang kailangan sa isang aplikante dahil dumarami na rin umano ang mga non-voice jobs sa nabanggit na industriya.

“No longer are we just a call center with voice capabilities. The expectations and job requirements of our global customers all over the world need basically all skills, all functions because BPO is everything,” ani Madrid.

Dahil dito, hinihikayat ang publiko na mag-aral ng ilan sa mga kursong in-demand at magagamit sa IT-BPO industry.

Kaugnay nito, kamakailan ay nagbukas ang Google Philippines at isang telecommunications company ng isang programa laan para sa 39,000 Filipino kung saan mag-aalok sila ng libreng online certificate course tulad ng IT support, data analytics, UX design at project management na kapaki-pakinabang sa industriya.

Maliban dito ay mayroon ring online course na alok ang Department of Information and Communications Technology at Technical Education and Skills Development Authority para sa mas malalim pang mga aralin sa IT. RNT/JGC