Higit 2.5M shabu nasabat sa Makati

Higit 2.5M shabu nasabat sa Makati

August 6, 2020 @ 9:04 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nasabat ang nasa P2.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Isidro, Makati City kahapon, August 5.

Lahad ng pulisya, nakipagtransaksyon ang poseur buyer nila sa kinilalang “John Edward”, 25, family driver at mekaniko.

Sa ulat, kabilang ito sa drugs watchlist ng Makati City Police ang nahuling suspek.

Nasabat din ang pitong sachet ng kontrabando na may timbang na 375.38 gramo na ang nakumpiska. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...