Higit 2 linggo bago mag-eleksyon, Comelec precinct finder offline pa rin

Higit 2 linggo bago mag-eleksyon, Comelec precinct finder offline pa rin

April 21, 2022 @ 4:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes na handa na itong isagawa ang May 9 national at local elections, 18 araw bago ito sumapit, sualit nananatili umanong offline ang online precinct finder nito.

“We are now ready for the May 9 elections kasi we have completed the printing of all ballots and we have started deploying all election paraphernalia and the VCMs (vote-counting machines) across the country,” ayon sa chairperson ng poll body na si Saidamen Pangarungan.

“We are in fact ahead of schedule.”

Subalit inamin ni Commissioner George Erwin Garcia na hindi pa handa ang online precinct finder.

“OK na po Comelec. DICT (Department of Information and Communications Technology) na lang po hintay namin,” ani Garcia.

Ang precinct finder ay makatutulong sa mga botante na alamin ang kanilang voting precinct location online bago ang araw ng eleksyon.

Inilunsad ang proyekto sa unang bahagi ng Abril. RNT/SA