Higit 20 sugatan sa New York subway shooting

Higit 20 sugatan sa New York subway shooting

April 13, 2022 @ 12:16 PM 2 months ago


NEW YORK- Nagsagawa na ang mga pulis ng manhunt nitong Martes sa gunman na nagpasabog ng dalawang smoke bombs tsaka nagpaputok sa New York subway car, kung saan mahigit 20 indibidwal ang naiwang sugatan.

Ayon sa mga awtoridad, pinaniniwalaang walang kasabwat ang gunman at agad na tumakas sa pinangyarihan ng insidente. Naganap ang pag-atake sa underground station sa Sunset Park sa Brooklyn.

Sampung indibidwal ang direktang tinamaan ng baril, kabilang ang limang nasa ospital na nasa stable condition na, ayon sa mga awtoridad.

Ayon sa mga pulis, 13 pa ang naapektuhan sa pagkakalanghap ng usok.

Inaasahan namang makaliligtas lahat ng mga sugatan, ayon pa sa mga awtoridad.

Batay sa ulat, ang itinuturong “person of interest” sa imbestigasyon ay isang nagngangalang Frank James, na siya umanong nag-rent sa U-Haul vehicle na konektado sa insidente. RNT/SA