Higit 200 biyahero stranded kay #DantePH

Higit 200 biyahero stranded kay #DantePH

June 1, 2021 @ 2:43 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Stranded ang 200 pasahero sa Matnog Port sa Sorsogon dahil kay bagyong Dante.

Ayon kay Achille Galindes, acting division manager ng PPA Terminal Management Office sa Matnog ito ay matapos suspindehin ng Philippine Coast Guard ang mga byahe sa Visayas at Mindanao dahil sa bagyo.

Inilikas na ang mga pasahero sa evacuation center ng lokal na pamahalaan.

Ang Sorsogon ay nasa Signal No. 2 at batay sa protocol ay dapat walang pasahero sa pantalan upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito.

Kanselado na rin ang mga byahe ng sasakyan patungong Bicol. RNT/ELM