Higit 200 estudyante sa sabungan nagkaklase

Higit 200 estudyante sa sabungan nagkaklase

September 8, 2022 @ 1:55 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagkaklase sa isang sabungan ang mga mag-aaral sa San Isidro Elementary School sa Mulanay, Quezon dahil ang kanilang paaralan ay lubhang napinsala ng mga nagdaang bagyo at lindol.

“So, ‘yung isa pong elementary school po namin sa Barangay San Isidro ay nasira ang mga classrooms. So talagang na-declare na condemned na po yung mga classrooms,” ani Mulanay Mayor Aris Aguirre.

Bunsod nito, nasa 200 estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 6 ang nagklase sa sabungan.

Maging ang mga guro ay ginagamit ang gitnang bahagi ng arena bilang kanilang faculty room.

Sinabi ng paaralan na nakikipag-ugnayan sila sa Department of Education (DepEd) para matugunan ang kakulangan sa silid-aralan.

May mga ginagawang bagong silid-aralan ngunit walang kasiguraduhan kung kailan magagamit ng mga mag-aaral ang mga ito dahil patuloy pa rin ang pagtatayo. RNT