Higit 21K Pinoy bumisita sa Malacañang para sa Kapaskuhan

Higit 21K Pinoy bumisita sa Malacañang para sa Kapaskuhan

December 26, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mahigit 21,000 Pilipino ang bumisita sa Malacañan Palace para dumalo sa Simbang Gabi at tunghayan ang Christmas tree at lantern displays sa Kalayaan grounds.

Inihayag ng Office of the Press Secretary nitong Linggo na mayroong 2,895 attendees para sa Simbang Gabi mula Dec. 17 hanggang 24.

Naitala rin ng Presidential Security Group (PSG) ang 14,988 spectators pqra sa Pailaw sa Kalayaan mula Dec. 18 hanggang 24.

Idinagdag ng PSG na halos 3,200 bisita ang nagtungo sa Kalayaan Grounds noong Pasko.

Sinabi ng Malacañang na nagsagawa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng surprise visit matapos ang Christmas Eve mass. RNT/SA