Higit 21K security personnel itatalaga sa unang SONA ni PBBM

Higit 21K security personnel itatalaga sa unang SONA ni PBBM

July 16, 2022 @ 1:15 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Mahigit 21,000 security personnel ang itatalaga upang tiyakin ang seguridad at kaayusan sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 25 sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Inanunsyo ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Biyernes na nasa 21,853 security forces ang ipakakalat sa event, mula sa 15,174 personnel na inisyal na inanunsyo.

Sa bilang na ito, 16,964 security officers ay mula sa NCRPO, 1,905 mula sa Philippine National Police (PNP) national headquarters, at 2,974 mula sa iba pang ahensya  at peacekeeping partners.

Inilatag din ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang  road rerouting plan nito para sa SONA ni Marcos.

Matatandaang nag-anunsyo rin ang PNP earlier ng gun ban sa Metro Manila gun ban mula Hulyo 22 hanggang 27.

Upnag tiyakin ang pagsunod sa mandato, maglalagay ng police checkpoints sa boundaries malapit sa Batasang Pambansa. RNT/SA