Higit 24K outbound, 19.4K inbound passengers, naitala ng PCG

Higit 24K outbound, 19.4K inbound passengers, naitala ng PCG

December 17, 2022 @ 12:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kabuuang 24,952 na mga outbound at 19,460 inbound passengers ang monitor na ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong umaga para sa Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2022.

Bukod dito, na-inspeksyon na rin ng 2,089 deployed frontline personnel ng 15 PCG Districts ang kabuuang 408 vessels at 271 motorbancas.

Lahat ng district stations at sub-stations ay inilagay na sa heightened alert upang napamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa pantalan ngayong Yuletide Seasonula Disyembre 15 hanggang Enero 7,2023.

Hinimok naman ang publiko na makipag-ugnayan sa PCG sa pamamagitan ng kanilang Facebook page o ang Coast Guard Public Affairs (0927-560-7729) para sa iba pang katanungan at paglilinaw kaugnay sa travel protocols at regulations ngayong Yuletide Season. Jocelyn Tabangcura-Domenden