Higit 25K food packs naipamahagi na sa ‘Agaton’ victims sa E. Visayas

Higit 25K food packs naipamahagi na sa ‘Agaton’ victims sa E. Visayas

April 18, 2022 @ 2:02 PM 2 months ago


TACLOBAN CITY- Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Eastern Visayas ang 25,548 family food packs (FFPs) bilang inisyal na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Agaton.

Sinabi ni DSWD regional information officer Joshua Kempis nitong Lunes na hanggang nitong Linggo, 3,600 food packs na ang naipamigay sa Guiuan, Eastern Samar; 12,000 sa Abuyog, 4,823 sa Mahaplag, 2,000 sa Baybay City, 1,800 sa Inopacan, at 1,325 sa bayan ng Javier, sa Leyte.

“We have been delivering the food packs to local government units and they took charge of the distribution. About 1,500 to 2,000 FFPs are being produced daily for victims of Agaton,” pahayag ni Kempis.

Sa ilalim ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, ang local governments ang unang responders, at ang DSWD ang itinalaga para sa karagdagang response efforts tuwing may sakuna. RNT/SA