Higit 25K tsuper, kailangang sumali sa kooperatiba para makapag-renew ng prangkisa

Higit 25K tsuper, kailangang sumali sa kooperatiba para makapag-renew ng prangkisa

February 3, 2023 @ 9:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mahigit 25,000 jeepney drivers ang nangangailangang sumali sa mga kooperatiba para makapag-renew ng kanilang prangkisa bago ito mapaso sa Abril 30.

Ayon sa ulat nitong Huwebes, magpupulong ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Lunes upang talakayin ang pagtugon sa kakulangan ng mga jeep.

Nilalayon ng jeepney modernization program na palitan ang traditional jeepneys ng mga sasakyan na pinapatakbo ng mas environment-friendly na langis. Pwedeng mag-apply ang operators at drivers para sa bagong prangkisa, subalit bilang bahagi ng transport cooperatives.

Wala pang desisyon ang LTFRB sa pagpapalawig ng prangkisa ng traditional jeepneys.

“Depende po dun sa ipepresent sa board. Far out din po siguro yung not to be allowed but there’s going to be certain compliance that they need to do,” pahayag ni LTFRB board member Riza Marie Paches.

Nanawagan din ang ahensya sa operators ng traditional jeepneys na bumuo ng kooperatiba o lumahok sa ibang kooperatiba para maiwasan ang problema.

Ayon sa LTFRB, mas mainam na maging miyembro ang jeepney driver ng kooperatiba dahil hindi na kailangan ang boundaries.

“Dapat ho ay swelduhan na po ang ating mga drivers. They are considered our drivers under the Modernization Program are considered as regular employees of the corporation or the cooperatives. Entitled po sila sa regular na sweldo at entitled din po sila sa mga social legislative benefits katulad po ng SSS, Pagibig, PhilHealth,” pahayag ni LTFRB NCR regional director Zona Tamayo. RNT/SA