Higit 25M SIMs naiparehistro na – NTC

Higit 25M SIMs naiparehistro na – NTC

January 27, 2023 @ 2:31 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 25 milyon SIM card o 15.09% ng kabuuang bilang ng aktibong mobile numbers sa bansa ang naiparehistro na hanggang nitong Enero 25.

Ito ang iniulat ng National Telecommunications Commission (NTC) nitong Biyernes, Enero 27.

Matatandaan na sinimulan na rin ng pamahalaan ang pagsasagawa ng assisted registration sa mga liblib na lugar ayon kay NTC Deputy Commissioner Jon Pauli Salvahan.

Sa ngayon ay wala pang diskusyon kung palalawigin pa ang deadline sa SIM card registration na nakatakda sa Abril 26. RNT/JGC