Higit 260K edad 5-11 bakunado na vs COVID

Higit 260K edad 5-11 bakunado na vs COVID

February 18, 2022 @ 1:05 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Hindi bababa sa 263,000 mga bata na may edad 5 hanggang 11 ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng bakuna laban sa COVID-19, ayon sa Department of Health, Huwebes.

Dagdag pa ng DOH na idinagdag na wala ring naitalang seryosong adverse effect sa pagbabakuna sa nasabing age group.

Humigit-kumulang sa 55,000 jabs naman ang naituturok kada araw, simula nang palawakin ang vaccination sa buong bansa, ani Health Undersecretary Myrna Cabotaje.

“Sa ating assessment, maganda at masigla ang kasalukuyang turnout ng ating pagbabakuna ng 5 to 11 years old,” aniya sa isang public briefing.

“As of Feb. 16, 2022, nakapagtala na tayo ng 263,932 five to 11 years old na nabakunahan sa buong bansa ng kanilang unang dosis ng Pfizer vaccine. Wala pong serious na adverse side effect.”

Ang mga awtoridad ay nagtala lamang ng 8 “non-serious adverse effects”, sabi ni Cabotaje, na nangunguna sa National Vaccination Operations Center.

Sinabi niya na kabilang dito ang mga pantal, 4 na kaso ng namamagang lalamunan, pananakit sa lugar ng iniksyon, lagnat, at pagsusuka.

Ang mga bata ay inoobserbahan sa isang lugar pagkatapos ng pagbabakuna, kung saan maaaring tumugon ang medical goup  kung sakaling magkaroon ng mga side effect. Kung ang mga ito ay lumitaw pagkatapos umuwi ang bata, ang kanilang mga magulang o tagapag-alaga ay binigyan naman ng numero ng health worker para kontakin. RNT